Nagbigay ng komento ang showbiz insider na si Cristy Fermin hinggil sa pag-anunsyo ni Wowowin host Willie Revillame na posible itong tumakbo sa pagka-senador sa darating na halalan, sa taong 2025.

Batay sa mga naging pahayag ni Cristy ay inisa-isa niya ang mga karakter ni Willie kaya hindi niya ito iboboto at susuportahan sa ambisyon nitong pumosisyon sa gobyerno.

Matatandaang nauna na siyang alukin noon nina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Senador Bong Go na tumakbo siya sa pagka-senador at susuportahan siya.

Tumanggi si Willie dahil wala raw siyang alam sa politika at hindi raw siya makakasabay sa husay ng mga senador pagdating sa balitaktakan at paggawa ng mga batas. Puwede naman daw siyang tumulong sa mga kababayan sa alam niyang paraan.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Unang binanatan ni Cristy ay ang sinasabi raw ni Willie na kusang-loob ang pagtulong niya sa mga kababayang nangangailangan. Siya raw mismo ang makapagsasabing hindi totoo ito dahil nanunudsod o binabalikan nito ang mga taong natulungan niya; in short, nanunumbat.

Matatandaang nagkaroon ng girian sa pagitan ng dalawa na humantong sa pagsasauli ni Cristy sa ibinigay na condominium unit sa kaniya ni Willie.

Pangalawa raw ay baka maging sunud-sunuran lang daw ito sa sasabihin ng dating pangulo.

"Public servant ka. Ikaw ang dapat na gumawa ng paraan para magserbisyo-publiko ka. Nakakatakot lang ito," anang Cristy.

Ang aga-aga pa raw at sa susunod na ang eleksyon, heto't nagdeklara na kaagad daw ang TV host ng posibleng gagawin niya kaugnay ng halalan.

"Kaya sa akin, kung tatakbo siyang senador, sa pipiliin ko, wala ang pangalan ni Willie Revillame," tigas na sabi ni Cristy.

Binasa ni Cristy ang ipinadalang text message sa kaniya ng isang tagasubaybay na ilusyunado raw si Willie.

MAKI-BALITA: Willie Revillame handa nang tumakbo para senador sa 2025