Nagbigay ng reaksyon si Kapuso actress Carla Abellana sa doktor na inirereto sa kaniya ni Queen of All Media Kris Aquino.

Sa ulat ng GMA News nitong Lunes, Enero 29, masaya raw si Carla sa ginawa ni Kris sa kabila ng pinagdadaanan nitong pagsubok sa buhay.

Matatandaang kamakailan lang ay nagbigay ng health updates ang Queen of All Media sa pamamagitan ng Instagram posts. 

MAKI-BALITA: Kris Aquino, naiyak sa natuklasan; lagay ng kalusugan lumala!

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

At isa si Carla sa mga nagkomento sa naturang post para magpaabot ng panalangin kay Kris. Tinugon ni Kris ang nasabing komento at niretuhan si Carla ng majojowang doktor.

MAKI-BALITA: Kahit may sakit: Kris nagawa pang magkomento sa annulment ni Carla

Anyway, sabi ni Carla: “I find it amusing and at the same time nakaka-flatter kasi naiisip niya pa ako."

"May ganoong nirereto siya, may suggestion siyang ganon. Ok naman. Nakakatuwa!” aniya.

Itinuturing pa nga raw ng aktres na compliment ang ginawang iyon ni Kris.

“In a way compliment pa nga ‘yon. Parang magandang gesture coming from her na meron siyang naiisip para sa akin,”saad pa niya.

Pero sa kasalukuyan, wala pa raw sa isip ni Carla ang mga ganoong klaseng bagay. Natatakot din dawi siya dahil malayo ang Amerika kung saan naroon ang doktor na nirereto ni Kris.

Matatandaang noong 2022 ay napabalita na hiwalay na raw ang mag-asawang Carla at Tom. In fact, lumipad pa nga si Tom pa-Arizona.

MAKI-BALITA: Carla at Tom, inaasikaso na raw ang annulment; aktor, may ‘pawasa-kadena’ IG story

MAKI-BALITA: Carla, sumabog na; binasag ang katahimikan tungkol sa isyu ng hiwalayan nila ni Tom

At ngayong nagbalik-bansa na si Tom, hiningan si Carla ng pahayag kung handa raw ba niyang makaharap ang estranged husband.

MAKI-BALITA: Carla Abellana, ready humarap kay Tom Rodriguez