How true ang balita na ang totoong kasarian umano ni Kapuso actor Xian Lim ang totoong dahilan ng hiwalayan nila ng ex-jowa niyang si Kim Chiu?

Sa latest episode kamakailan ng “Oras ng Opinyon, Talakayan, at Diskusyon” o OOTD, isang showbiz-oriented vlog, napag-usapan ng dalawang host na sina Jobert Sucaldito at Chaps Manansala ang nasagap nilang impormasyon tungkol dito.

“Walang lumalabas na mga dahilan kung bakit sila naghiwalay. Pero matunog ang usap-usapan ng mga marites na kaya raw naghiwalay sina Kim at saka si Xian dahil nabuking daw ni Kim na si Xian Lim ay bading,” saad ni Jobert.

“Nagulat ako. Kasi unang-una, I know Xian. I don’t think he’s bading […] And if ever he’s gay, so anong problema? Being gay is beautiful. Masaya,” aniya.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Pero nang tanungin si Jobert ni Chaps kung hindi raw ba talaga niya pinaghinalaan ang kasarian ni Xian, inamin niyang pumasok din naman daw ‘yon sa isip niya.

“Pero walang confirmation. Syempre, alam mo naman kami ni Xian, we’re friends. Pero syempre kapag mga ganiyang bagay, hindi ko na hinahalukay,” dagdag pa niya.

Matatandaang kinumpirma nina Xian at Kim ang kanilang hiwalayan noong Disyembre 2023 sa pamamagitan ng kanilang social media accounts.

MAKI-BALITA: ‘End of a Love Story!’ Kim Chiu kinumpirmang hiwalay na sila ni Xian Lim

MAKI-BALITA: Xian kay Kim: ‘No goodbyes here, I’ll see you around’

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na anomang pahayag, tugon, o reaksiyon ang dating mag-jowa tungkol sa bagay na ito.