Binatikos ni Senador Risa Hontiveros ang girian nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at pamilya ni Vice President Sara Duterte, at sinabing wala pa raw sa kalagitnaan ng kanilang termino ay wala na agad ang “unity” na ipinangako nila sa taumbayan.

Sa kaniyang pahayag sa Senado nitong Lunes, Enero 29, binanggit ni Hontiveros ang tungkol sa nangyaring Bagong Pilipinas at Prayer rally kontra Charter Change (Cha-Cha) noong Linggo, Enero 28, kung saan nangyari ang girian sa pagitan ni Marcos at pamilya Duterte.

“Pinangakuan nila tayo ng unity, pero wala pang midterm, wala na kaagad kahit anong bahid ng unity. Habang nililito nila tayo dito sa Maynila ng bangkaroteng pirmahan para sa People’s Initiative, meron palang gustong bumalik sa kapangyarihan at iwasang panagutan ang kaniyang mga kasalanan,” giit ni Hontiveros.

“Mr. President, nanalo kayo dahil pagod na ang ordinaryong Pilipino sa away at girian, pero anong ipinakita n’yo nitong Linggo? Tunggalian na naman, kontrahan na naman. Pinapapili na naman ang mga Pilipino sa pagitan ng dalawang maimpluwensyang pamilya,” saad pa niya.

National

Sen. Go, ibinahagi pakikipagkita nila ni Ex-Pres. Duterte kay INC leader Manalo

Iginiit din ng senador na dapat unahin at tutukan ng pamahalaan ang tunay na isyu sa bansa, tulad ng pagpapababa ng presyo ng bilihin, pagpapataas ng suweldo ng mga manggagawa, pagpapatigil sa korupsyon, kahirapan at kagutuman.

“Ang unity natin, hindi unity ng mga makapangyarihan pamilya na may agenda, kundi unity ng mga ordinaryong mamamayan na nagmamahal sa ating bansa,” ani Hontiveros.

“Kay Presidente at sa mga naghahari-harian sa Davao: We see through your lies and grandiose promises. You will not divide us. Hindi n’yo mabubuwag ang demokrasya at kalayaan sa bansang ito,” dagdag pa niya.

Matatandaang sa isinagawang prayer rally sa Davao City noong Linggo, tinawag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte si Marcos na “drug addict.”

MAKI-BALITA: PBBM ‘bangag’, ‘drug addict’, sey ni ex-Pres. Duterte

Itinanggi naman ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na kasama si Marcos sa kanilang drug watchlist.

MAKI-BALITA: PDEA, kinontra si ex-Pres. Duterte; itinangging nasa drug watchlist si PBBM

Matapos ang tirada sa kaniya, iginiit naman ni Marcos na baka nasabi raw ni dating Pangulong Duterte ang naturang mga pahayag laban sa kaniya dahil sa pagtira umano nito ng “fentanyl.”

MAKI-BALITA: Ex-Pres. Duterte tumitira daw ng ‘fentanyl,’ banat ni PBBM

Samantala, sinabihan naman ni Davao City Mayor Baste Duterte si Marcos na “tamad” at kulang daw sa “compassion” bilang punong ehekutibo ng bansa.

MAKI-BALITA: Mayor Duterte kay PBBM: ‘You are lazy and you lack compassion’

Bukod dito, igiit pa ng alkalde na dapat na raw magbitiw sa pwesto ng pagkapangulo si Marcos kung wala raw itong pag-ibig para sa Pilipinas.

MAKI-BALITA: Davao City Mayor Duterte, pinagre-resign si PBBM

Kaugnay nito, nito lamang Lunes ay naglabas ng opisyal na pahayag si VP Duterte ukol sa panawagan ni Mayor Baste na mag-resign na si Marcos bilang pangulo.

MAKI-BALITA: VP Sara, nagsalita ukol sa panawagan ng kapatid na mag-resign na si PBBM