May simple pero sweet birthday message ang celebrity basketball player na si Ricci Rivero para sa kaniyang jowang si Los Baños, Laguna Councilor Leren Mae Bautista.

Sa kaniyang Instagram story, ibinahagi ni Ricci ang litrato ni Leren habang may hawak na cake.

"Happy Birthday! (heart emoji) Enjoy your special day!" saad sa caption.

May nakalagay pa ritong "Happy 26th."

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Photo courtesy: Ricci Rivero (IG) via Fashion Pulis

Sa comment section ng isang entertainment site ay hindi makapaniwala ang mga netizen na 26 lang si Leren.

"Eh? 26 pa lang nya?"

"26 pa pala 'to? Akala ko nasa 30s na."

"Chura, 31 na yan not 26."

"She's 31 yo."

"26??? Bat sabi nyo matanda na omg."

"Weh ang tanda ng face niya mukha siyang 30 pataas."

Well, batay sa mga makikitang edad ni Leren sa iba't ibang social media sites, siya ay isinilang noong Enero 28, 1993.

Kaya kung kukuwentahin, siya ay 31 anyos na nga.

Pero hindi ba, ano naman ngayon kung 31 na siya? Big deal ba?

Anyway, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Bautista tungkol dito.