Parehong dumalo at nagkasama sina Vice President Sara Duterte at Senador Imee Marcos sa prayer rally kontra Charter Change (Cha-cha) sa Davao City nitong Linggo ng gabi, Enero 28.

Ito ay matapos dumalo ng bise presidente sa Bagong Pilipinas kick-off rally sa Quirino Grandstand.

MAKI-BALITA: VP Sara, dadalo sa ‘Bagong Pilipinas’ kick-off rally, prayer rally vs Cha-cha

Parehong hayagang tutol sina Duterte at Marcos sa Cha-cha na naglalayong amyendahan ang Konstitusyon ng bansa.

Internasyonal

Bago maging Santo Papa: Cardinal Robert Francis Prevost, nakatabi ni Cardinal Tagle sa Conclave

Kamakailan lamang, inihayag ni Duterte ang kaniyang pagkondena sa mga politiko umanong namimigay ng pera sa taumbayan kapalit ng kanilang pirma para sa People’s Initiative (PI) at Cha-cha.

MAKI-BALITA: VP Sara, kinondena mga ‘bumibili ng pirma’ para sa PI, Cha-cha

Iginiit naman kamakailan ni Senador Marcos na ang kaniyang pinsang si House Speaker Martin Romualdez ang nasa likod ng PI campaign.

MAKI-BALITA: Imee, ipinagdiinang si Romualdez umano ang nasa likod ng PI campaign

Itinanggi naman ng House leader ang naturang mga akusasyon.

MAKI-BALITA: Romualdez sa akusasyon ni Imee: ‘Nagma-marites siguro siya’