Isiniwalat ni Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga ang kaniyang saloobin sa mga ginagawa ng kapatid niyang si Alex Gonzaga.

Sa latest episode kasi ng social media personality na si Viy Cortez noong Huwebes, Enero 25, sumalang si Toni sa independent polygraph test o mas kilala bilang “lie detector test”.

“Nahihiya ka ba minsan sa mga ginagawa ng iyong kapatid?” tanong ni Viy.

Sagot ni Toni: “Lagi. Walang araw na hindi. Walang araw na ginawa ng Diyos na hindi ko ikinahiya. Bakit ko naman ikakatuwa ang mga pinaggagawa niya?”

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

“Truth” ang lumabas na resulta sa sagot ni Toni batay sa lie detector test. Natawa naman nang bongga si Viy dahil kahit hindi na raw i-test pa si Toni ay mukhang ikinahihiya talaga nito ang mga ginagawa ni Alex.

Matatandaang patok si Alex sa paggawa ng kung ano-anong kalokohan sa kaniyang social media accounts. In fact, sa isa niyang video na ibinahagi sa Instagram ay makikitang “sinabunutan” siya ng kaniyang ina dahil sa ginawa niyang prank.

MAKI-BALITA: Alex Gonzaga, ‘sinabunutan’ ni Mommy Pinty dahil sa ginawang prank!

Kasunod namang itinanong ni Viy kay Toni ay kung pakialamera daw ba siyang ate. Inamin naman ni Toni na taglay niya ang katangian ‘yon.

Pero para kay Viy, tila normal na katangian na raw ‘yon ng isang nakakatandang kapatid.

Anyway, “truth” pa rin ang lumabas na resulta sa sagot ni Toni batay sa lie detector test.