Usap-usapan sa kasalukuyan ang Filipino girl group na 4th Impact sa social media platform na X. 

Ito ay matapos silang mapabilang sa listahan ng guest performers na inilabas ng Presidential Communications Office (PCO) para sa gaganaping “Bagong Pilipinas” kick-off rally nitong Linggo ng hapon, Enero 28, sa Quirino Grandstand.

Photo courtesy: X/Ralph Mendoza

Kaya naman, umani ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing balita. Narito ang ilan sa kanilang mga komento: 

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“nakakaawa sila sa totoo lang. pero yung choices kase nila ang hirap mahalin. tapos malalaman mo, ganto na naman decision nila sa life.”

“I don’t want to cancel 4th Impact just because they will perform on today’s rally. I just feel that they really need the money thats why they feel the need to perform. Di pa tapos bayaran bahay nila, hindi madami events nila. I heard their stories, bibigay ko na sakanila yun.”

“Wla kasi Silang manager. sariling sikap.”

“eh wala naman ata silang original na kanta. paano? hahaha alangan mag bang bang sila forevers”

“Naku iiyak nnman sila sa vlog at sasabihing inaaway sila ng mga kababayang pilipino 🤣🤦‍♀️”

“Fan ni dutae at Dayunyor ang Voice coach ng mga yan.”

“kaya pala di na umarangkada ang career ng 4th impact! 🤣🤣”

“Sorry pero di ako nagagalingan sa impact na yan. Ahahha”

“Lagi naman nagda-drama mga yan pag Ber months na,ngayon di masyado,sunod sunod kase pyestahan fully booked na sila”

“Four Impakta!”

Ang miyembro ng 4th Impact ay binubuo ng magkakapatid na sina Almira, Irene, Mylene, at Celina Cercado. Naging bahagi sila ng singing competition na “The X Factor UK” noong 2015 at nakaabot sa Top 5.

Samantala, narito naman ang buong listahan ng iba pang guest performers para sa nasabing kick-off rally.

MAKI-BALITA: Celebrities na magpe-perform sa Bagong Pilipinas kick-off rally, pinangalanan