Patuloy pa ring nakaaapekto ang northeast monsoon o amihan sa malaking bahagi ng bansa, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Linggo, Enero 28.

Sa tala ng PAGASA kaninang 4:00 ng madaling araw, malaki ang tsansang magdadala ang amihan ng maulap na kalangitan na may katamtamang mga pag-ulan sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Aurora, Quezon, Bicol Region, Eastern Visayas, Caraga, at Davao Region.

Bukod dito, posible umanong makaranas ng medyo maulap hanggang maulap na kalangitan na may kasamang isolated light rains ang Metro Manila at mga natitirang bahagi ng bansa dahil din sa amihan.

Wala namang matinding epekto ang mga magiging pag-ulan sa naturang mga lugar.

National

Matapos rebelasyon ni Garma: Ex-Pres. Duterte, dapat nang kasuhan – Rep. Castro

Samantala, inihayag ng PAGASA na wala itong minomonitor na alinmang bagyo o low pressure area (LPA) sa loob man o labas ng Philippine area of responsibility (PAR).

Maliit na rin daw ang tsansang may mabuo o pumasok na bagyo sa PAR sa pagtatapos ng buwan ng Enero.