Nailigtas ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pitong pasahero makaraang tumaob ang sinasakyang bangka sa Roxas, Palawan kamakailan.

Sa report ng PCG, nakatanggap sila ng impormasyon kaugnay ng insidente sa bisinidad ng Isla Verde, Roxas nitong Enero 25.

Pinangunahan ng BRP Melchora Aquino ang pagresponde sa lugar na nagresulta sa pagkakaligtas ng pitong pasahero.

Patungo na nasa sa Poblacion, Araceli, Palawan ang nasabing bangkang de-motor mula sa kalapit na Barangay Calandagan nang hampasin ito ng malakas na hangin at malalaking alon.

Probinsya

Lalaki sa Davao, inatake at sinakal ang 19-anyos na babae na kapuwa pasahero sa jeep

Matapos mailigtas, kaagad na binigyan ng medical assistance ang pitong pasahero bago sila dinala sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) upang mabigyan ng karagdagang tulong.