Nanawagan si Senator Imee Marcos sa pamahalaan na suspendihin muna ang lahat ng lotto draw hangga't hindi pa nabibigyang-linaw ang sunud-sunod na napanalunang jackpot simula pa nitong Disyembre 2023.

Paglilinaw ni Marcos, 'mathematically' improbable o malabong mangyari ang madalas na jackpot sa lotto.

National

Umano'y 'white substance' na inabot kay PBBM, isang lapel pin daw sey ng PCO

Isa aniyang kababalaghan ang nangyari kaya't hindi rin kumbinsido ang publiko.

Hindi rin naniniwala ang senador na walang manipulasyon sa lotto draw kahit p may mga taga-Commission on Audit (COA) at may closed-circuit television sa lugar kung saan isinasagawa ang draw.

Matatandaang inimbestigahan ng Senado ang mga opisyal ng Philippine Charity Sweepstakes Office dahil sa mga pinagdududahang draw.