Hindi raw pwedeng banggitin o i-promote ni Kapamilya star Kim Chiu ang “Linlang: The Television Version” sa “It’s Showtime”.

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” noong Huwebes, Enero 25, isiniwalat ni showbiz insider Ogie Diaz ang dahilan kung bakit ipinagbabawal na banggitin ang nasabing teleserye sa nasabing noontime show.

“May mga nagre-react. Bakit daw hindi mabanggit ni Kim Chiu ang ‘Linlang’ sa ‘It’s Showtime’. Kasi kinongratulate ni Amy Perez, ‘congratulations!’ Dahil first day ng ‘Linlang’. ‘Thank you po. Nood po kayo mamayang gabi ulit’,” kuwento ni Ogie.

“Tapos, parang may binulong si Kim Chiu kay Amy Perez. Something like bawal. Hindi mabanggit ni Kim Chiu ‘Linlang’,” aniya.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Ang dahilan daw: “Kasi nga ang ‘It’s Showtime’ ay palabas din sa GTV. E, may sarili ring teleserye ang GMA 7 na sister company ng GTV. So, hindi niya pwedeng i-promote ang ‘Linlang’. Diyos ko, much as she wanted to promote ‘Linlang’.”

Kaya si Ogie na lang ang nag-promote ng “Linlang” ni Kim sa kaniyang showbiz-oriented vlog dahil sa mahirap nitong kalagayan. Hinikayat niya ang mga tagasubaybay ng vlog na panoorin ang teleserye.

Matatandaang nauna nang ipalabas sa online streaming platform na “Prime Video” ang Linlang noon pang Oktubre 2023.

MAKI-BALITA: Gigil at galit ng netizens sa kaniya ngayon, bet na bet ni Kim Chiu