Lalo pang bumaba ang temperatura sa Baguio City nitong Sabado ng umaga, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Inanunsyo ng PAGASA, ang 9.8 degrees celsius ay naramdaman sa lungsod dakong 8:00 ng umaga.

 

Dakong 5:00 ng madaling araw nang unang bumagsak sa 10.4 degrees celsius ang klima sa nabanggit na lugar.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Bukod sa Baguio, apat pang lugar sa bansa ang nakapagtala ng malamig na temperatura nitong Sabado. Kabilang sa mga nasabing lugar ang Basco, Batanes (15.7°C), Laoag City sa Ilocos Norte (16.2°C), Malaybalay, Bukidnon (17.0°C), at Muñoz, Nueva Ecija (17.2°C).

Huling naitala ang pinaka-malamig na temperatura sa Baguio noong Enero 18, 1961 nang pumalo ito sa 6.3°C.

Dahil dito, pinayuhan ng PAGASA ang mga aakyat sa Baguio na magsuot ng makakapal na damit para panlaban sa lamig.