Napag-usapan nina Rose Garcia, Jun Nardo, at Ambeth Nabus si Kapamilya actress Maymay Entrata sa latest episode ng Marites University nitong Huwebes, Enero 25.

Napansin daw kasi ng mga netizen na tila matagal-tagal na raw hindi nagpe-flex si Maymay ng mga picture nila ng jowa nitong afam na si Aaron Haskell.

“Tapos may nakapansin pa na parang na-delete daw ‘yong ibang mga post ni Maymay na kasama si Aaron. Pero may natira daw…tiningnan ko nga ‘yong iba. Parang wala nga akong napansin. Pero may nakapansin na ‘yong sa Japan nila, nandoon pa rin. So, may mga nagtatanong talaga,” saad ni Rose.

“Tapos nag-post pa kasi ‘tong si Maymay. Recent post niya pa […] Sabi ni Maymay sa post niya nitong 2 days ago lang, ‘muling ibalik’. Pero ang sumunod na emoji ay parang coconut tree. Parang beach. Parang ganoon,” aniya.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Kaya sa palagay ni Rose: “Baka naman ang ibig niyang sabihin dito, muli siyang ibalik sa beach or something.”

Pero sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang anomang pahayag si Maymay para kumpirmahin o pabulaanan ang nasabing isyu.

Matatandaang Pebrero 2022 nang ipakilala ng aktres si Aaron sa publiko sa pamamagitan ng kaniyang Instagram post.

MAKI-BALITA: Amakabogera! Maymay Entrata, ipinakilala ang kanyang non-showbiz boyfriend