How true ang tsikang ito ni showbiz insider Ogie Diaz na ikakasal na raw ang mag-jowang sina Charlie Dizon at Carlo Aquino?

Sa latest episode kasi ng showbiz oriented vlog ni Ogie na “Showbiz Updates” nitong Huwebes, Enero 25, sinabi niyang nakilala na raw ni Carlo ang parents ni Charlie.

Ayon pa kay Ogie, sa oras daw na matapos na ang trabaho nina Carlo at Charlie, ikakasa raw agad ng dalawa ang kanilang kasal.

Tamang-tama naman na patapos na ang “Pira-pirasong Paraiso” kung saan ginagampanan ni Charlie ang karakter ni “Diana” at kasalukuyang nang shino-shoot ang pelikulang pagbibidahan ni Carlo na “Whispers in the Wind” kasama ang aktres na si Barbie Imperial.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Pero sa una pa lang, nilinaw naman ni Ogie na ang lahat daw ng ito ay napanaginipan niya lang. 

“Tapos kapag tapos na ‘yan, magse-secret marriage na sila?” tanong kay Ogie ng co-host niyang si Mama Loi.

“Ay, kailangan kong matulog ulit para mapanaginipan ko ‘yon,” natatawang tugon ng showbiz insider.

Anyway, sabi ni Mama Loi, kung makasal man sina Charlie at Carlo ay wala naman daw problema dahil nasa legal age na ang dalawa.

Dagdag pa ni Ogie: “Saka wala naman silang sabit pareho. Mukha namang nagmamahalan sila nang bongga.”

Matatandaang Enero 2023 nang kumpirmahin mismo ni Carlo na nagde-date na raw sila ni Charlie matapos silang maispatang magkasama sa La Union.

MAKI-BALITA: CONFIRMED! Carlo Aquino, Charlie Dizon, nasa ‘dating’ stage na!