Ibinuking ni Gelli De Belen ang katangian ng kapatid niyang si Janice De Belen na co-star din nila ni Candy Pangilinan sa pelikulang “Road Trip”.

Sa latest vlog kasi ni TV host-actor Luis Manzano nitong Martes, Enero 23, tinanong niya ang qualities ng bawat isa.

Unang sumagot sa tanong si Janice at inilarawan ang kapatid bilang maingay. In fact, hindi na nga raw niya matiis ang kaingayan ni Gelli.

“Ang lakas ng boses. Minsan, hindi ko na kaya…Saka makakalimutin,” pagsisiwalat ni Janice sabay tawa.

National

Gatchalian kay Guo: 'See you tomorrow, sana magsabi ka na ng totoo!'

“But I’m the best person to keep your secrets,” pagtatanggol ni Gelli sa sarili.

Nang si Gelli naman ang sumagot, tila gumanti siya. Ibinuking niya ang pagiging marites ni Janice.

“‘Di n’yo alam, si Janice marami ‘yang dalang tsismis. Ang galing niyang magkuwento ng mga tsismis. Kaya lang nakakalimutan ko, e,” lahad ni Gelli na parang may halong panghihinayang ang tono ng boses.

Napatanong tuloy si Luis: “So, kumbaga sa ‘yo safe? Kay Ate Janice, hindi?”

“Ay, hindi! Safe naman,” tugon ni Gelli.

Lahat daw kasi ng pinagtsitsismisan nila ay kung ano lang din ang mga nasa TV.

“Ang hilig lang naming i-analyze, ‘bakit kaya’?” habol ni Candy.

Pero bukod sa pagiging marites, antukin din daw si Janice ayon pa nakakabata nitong kapatid.

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, mapapanood na ang pelikula nilang “Road Trip” sa mga sinehan sa bansa.