Tatlong pinaghihinalaang drug pusher ang inaresto matapos masamsaman ng mahigit sa ₱3.7 milyong halaga ng illegal drugs sa magkakahiwalay na operasyon sa Quezon kamakailan.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang tatlong suspek na hindi na binanggit ang pagkakakilanlan matapos damputin sa Sariaya, Mulanay, at Lucena City.

Ilang araw munang isinailalim sa surveillance ang tatlong suspek bago ikinasa ang anti-drug operations na ikinaaresto ng mga ito.

Nahaharap na sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Act of 2002) ang tatlong suspek.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol