Sa isang bahagi ng “Toni Talks” ni Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga noong Linggo, Enero 21, binalikan ng direktor na si Fifth Solomon ang ilang alaala sa loob ng Pinoy Big Brother.  

Isiniwalat ni Fifth kung ano ang unang impresyon sa kaniya ni Alex Gonzaga na minsan na ring naging hosting stint sa nasabing reality show.

Pero bago ‘yon, iinuwento muna niya ang kaniyang struggles during PBB days dahil pumasok daw siya sa bahay ni Big Brother as closet gay, na taliwas syempre sa layunin ng show na magpakatotoo sa sarili. Pero eventually, umamin din naman daw siya.

“Umamin ako kasi napagod na ako,” paliwanag ni Fifth, ”na parang may mga tweets na ipinasok from the outside world si Big Brother. Tapos parang jina-judge pa rin ‘yong sexuality ko.”

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

“Tapos parang may one time, pumasok si Robi [Domingo] noon. Tapos parang sinabi niya. ‘Pag ‘di ka nagpakatotoo, jina-judge ka. ‘Pag nagpakatotoo ka, ija-judge ka rin naman. Parang wala namang pinagkaiba,” aniya.

Dagdag pa ni Fifth: Tapos parang sabi ko, ‘Oo nga ‘no. Nakakapagod. I’m gonna take my power back’. Na parang hindi n’yo na magagamit sa akin ‘yong word na ‘bakla’ kasi inamin ko na siya. Bakla ako.”

Kaya naman, magaan ang loob ni Alex kay Fifth dahil dito. In fact, silang dalawa ang unang nag-click noong nasa loob ng bahay ni Kuya. Pero may inamin si Fifth.

“Actually noong una, first, second day, parang nagkakainisan kami niyan. Nagkakatarayan kami. Kasi siya parang naeepalan sa akin. Sobrang madaldal ako e. Ang likot ko,” saad ni Fifth.

“Tapos after ng third day, wala kaming magawa doon. Pareho kami ng humor. Pinagtitripan namin ‘yong mga housemate. 

“So after noon, lagi na kaming tawa nang tawa. Naging bestfriend na kami sa loob hanggang paglabas,” aniya.

Matatandaang bukod sa pelikulang “The Exorsis” nina Alex at Toni, si Fifth din ang nagdirek ng Philippine adaptation ng “My Sassy Girl” kung saan si Pepe Herrera naman ang nakasama ni Toni.

MAKI-BALITA: My Sassy Girl: Toni Gonzaga, balik-romcom movie na