Tila may alam daw ang aktor na si Dominic Roque sa mga ginagawa ni Kapamilya star Daniel Padilla sa dati nitong jowang si Kathryn Bernardo.

Sa latest episode ng “Cristy Ferminute” nitong Lunes, Enero 23, itsinika ni showbiz columnist Cristy Fermin ang dahilan umano ng paglayo ni Dominic kay Daniel.

“Ang daming nagsabi, ‘E kasi alam ni Dominic ang mga ginagawa niya [Daniel] kay Kathryn kaya ganoon’,” saad ni Cristy.

Natalakay kasi sa nasabing episode ang tungkol sa hindi pag-imbita ni Dominic kay Daniel sa kasal nila ng fiancee niyang si Bea Alonzo. Matatandaang diretsahang sinagot ni Dominic ang tanong tungkol dito.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

MAKI-BALITA: Pupunta si Kathryn: Daniel, di invited sa kasal nina Dominic at Bea

Pero aminado naman si Cristy sa naunang bahagi ng panayam na hanggang ngayon ay wala pa rin siyang alam sa tunay na pinag-ugatan ng away sa pagitan nina Daniel at Dominic.

“Kung sino ang may kasalanan, ‘yan po ang ‘di namin masasakop. Wala po kaming alam kung anong pinagsimulan, pinag-ugatan ng kanilang hindi pagkakaunawaan,” aniya.

Matatandaang noong 2021 ay umugong ang balitang nagkasamaan ng loob ang dalawa na humantong pa sa pag-unfollow kay Dominic ng ina ni Daniel na si Karla Estrada.

MAKI-BALITA: Nag-unfollow sa isa’t isa! Daniel at Dominic, may bangayan nga ba?