Pinupuntirya daw ng batikos ang aktor na si Dominic Roque ng mga supporter ni Daniel Padilla dahil sa pagpapakatotoo niya.

Sa latest episode ng “Cristy Ferminute” nitong Martes, Enero 23, napag-usapan nina Cristy Fermin at Romel Chika ang tungkol sa bagay na ito.

“Tingnan mo nga naman. Nagpakatotoo lang naman si Dominic Roque. Hindi lang siya nagpaligoy-ligoy. Sinabi lang niya ang katotohanan kaysa naman sa magpaka-plastic siya. Ngayon siya pa ang binubuweltahan ng mga tagasuporta ni Daniel Padilla. Anong masasabi mo, Romel?” pahayag ni Cristy.

“Ay, naku, Nay! Magmula noong sinasabi natin ‘to expected na natin ‘yan na mayroon at mayroong aalma. Ito na nga, mga parinig kay Dominic na kung anik-anik. May nagsasabi na ‘Naku, nakisawsaw pa’,” saad naman ni Romel.

Eleksyon

Kabataan Party-list, itutulak pagpapatalsik kay VP Sara

Kaya ang tanong ni Cristy: “Ano po ang gusto nating makita? Isang personalidad na nagsisinungaling sa atin; sa publiko? O isang aktor na nagsasabi lamang po ng katotohanan dahil mas makakaganda ang maging tapat?”

Dagdag pa ng showbiz columnist, wala raw dahilan si Dominic para makisawsaw kay Daniel. Hindi raw ito nakikipagkompetensya.

Matatandaan kasing diretsahang sinagot ni Dominic ang tanong tungkol sa kung dadalo raw ba si Daniel sa kasal ng fiancee niyang si Bea Alonzo.

MAKI-BALITA: Pupunta si Kathryn: Daniel, di invited sa kasal nina Dominic at Bea