Kinumpirma mismo ni Vice President Sara Duterte na muli siyang tatakbo sa susunod na eleksyon.

Inanunsyo ito mismo ni Duterte sa kaniyang talumpati sa Brgy. Bago Gallera, Davao City nitong Lunes, Enero 22.

Hindi naman binanggit ng bise presidente ang posisyon na kaniyang tatakbuhan.

Sa 2028 ang susunod na national election sa bansa at ang taon din kung kailan matatapos ang termino ni Duterte.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Bukod sa pagiging bise presidente ng bansa, si Duterte ang kasalukuyang kalihim ng Department of Education (DepEd).

Siya ay anak ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.