Diretsahang sinagot ng aktor na si Dominic Roque ang tanong ng nag-usisang press kung dadalo ba sa kasal nila ng fiancee na si Bea Alonzo sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Ani Dominic, pupunta si Kathryn subalit si Daniel, hindi raw imbitado dahil hindi pa raw sila okay.

Hindi pa rin daw sila nag-uusap up to this moment, pagbubunyag pa niya.

"Hindi naman kami... hindi pa kami okay ni DJ. I mean, we're not talking since 2020."

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Giit ng nag-usisang showbiz news reporter, nakita na silang magkasama ni Daniel noon sa FIBA.

"We haven't seen each other for the longest time, since 2020."

Itinanggi ni Dom na nagkita sila ni DJ sa FIBA. Ang tinutukoy raw nito ay si Marco Gumabao.

Open si Dominic na hindi sila okay ni Daniel. Nakalinya na raw ang groomsmen niya na kinabibilangan nina Marco Gumabao, Patrick Sugui, at Khalil Ramos.

Hindi na nagbigay ng iba pang detalye si Dominic patungkol sa kanilang nalalapit na kasal ni Bea, pero ang sigurado, gagawin ito abroad. Hindi pa rin tiyak ang petsa kaya abangan na lang.

Matatandaang noong 2021 ay pumutok ang balitang nagkatampuhan sina Dominic at Daniel na humantong pa sa pag-unfollow sa una ng ina ng huli na si Karla Estrada.

MAKI-BALITA: Nag-unfollow sa isa’t isa! Daniel at Dominic, may bangayan nga ba?

Samantala, mapapanood ang panayam kay Dominic sa YouTube channel na "Very Wang."