Nailigtas ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang pasahero ng barko matapos tumalon sa dagat, malapit sa Camotes Island, Cebu kamakailan.

Sinabi ng PCG, nakatanggap sila ng impormasyon kaugnay ng insidente kaya't ipinadala sa karagatang malapit sa Consuelo Port, San Francisco ang kanilang search and rescue team.

Nasagip ng Coast Guard ang pasaherong si Allan Estrera, 43, taga-Sitio Martin, Brgy. San Isidro, San Francisco, Cebu.

Kinumpirma rin ng PCG na sinadya ng Estrera na tumalon sa dagat mula sa sinasakyang MV LCT JSC6 bunsod ng problema sa pamilya.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nasa maayos na ang kalagayan ng pasahero, sabi pa ng PCG.