Tila may iba pa palang bahagi ng kuwento sa likod ng hiwalayan ng dating mag-asawang Kylie Padilla at Aljur Abrenica.

Sa latest episode kasi kamakailan ng “Oras ng Opinyon, Talakayan, at Diskusyon” o OOTD, isang showbiz-oriented vlog, isiniwalat ni showbiz insider Jobert Sucaldito ang tungkol sa pag-leak ng mga picture ni Kylie kasama ang bagong boyfriend nitong si Jinno John Simon, na isang tattoo artist.

“Actually, sa totoo lang, it’s too late ‘yong pag-reveal nilang ‘yan. Alam ko na ‘yang istoryang ‘yan pandemic time pa lang. 2020 or 2021 something like that,” saad ni Jobert.

“Naalala mo noong pumutok ‘yong balita na naghiwalay si Kylie at si Aljur?” tanong niya kay Chaps Manansala.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Tumango ang kaniyang co-host.

“Nalaman ko na that time ‘yang balitang ‘yan. Nagpa-interview ‘yan [si Aljur] sa program ko dating ‘The Bash’... It was very, very sensitive ‘yong isyu na ‘yon. Because syempre, si Kylie babae ‘yan, alam mo na,”  aniya.

Dagdag pa ni Jobert: “Gusto mang magsalita ni Aljur that time para to defend himself kasi siya ang nadidiin that time but I advise Aljur na ‘Don’t speak. ‘Wag ka nang magsalita. Kumbaga hayaan mo na lang ang public na mag-discover. Because unang-una, babae ‘yan. Masakit ‘yan. At ina ‘yan ng mga anak mo’. ‘Di ba?”

Pangit naman daw kasi bilang babae kung si Kylie ang lalabas na mali sa kanilang dalawa ni Aljur. Kaya pinabayaan na lang daw.

Matatandaang nauna nang lumabas ang kuwentong ito dahil sa Facebook post ni Aljur noong nakaraang taon na hindi na ngayon mababasa pa dahil burado na.

MAKI-BALITA: Sino nga kaya ang ‘boylet’ ni Kylie Padilla? Netizens, may hula na!

Bukod pa rito, naging usap-usapan din kamakailan kung sino ang lalaking naispatang kasama ni Kylie habang nagsha-shopping.

MAKI-BALITA: Gym coach o jowa? Kasamang lalaki ni Kylie sa shopping, sinisino ng netizens

Samantala, habang isinisulat ang artikulong ito, wala pang kumpirmasyon, reaksiyon o tugon si Kylie Padilla tungkol dito.