Isang netizen ang nagbigay ng payo kay Queen of All Media Kris Aquino na kasalukuyang lumalala ang kalagayan ng kalusugan.

Sa latest Instagram post kasi ni Kris nitong Linggo, Enero 21, nagbahagi siya ng health update sa pamamagitan ng 3-minute reel.

MAKI-BALITA: Kris Aquino, naiyak sa natuklasan; lagay ng kalusugan lumala!

At isang netizen ang nagtanong kung naisip ba ni Kris na lumapit sa ibang manggagamot dahil tila iba raw ang nagdadala ng sakit sa katawan nito.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“I know you got the best doctors with you ms. Kris but have you ever cross your mind na lumapit sa ibang manggagamot? When I say ibang [manggagamot] I mean hindi doctor….I have the feeling that maybe iba po ‘yan,” saad ng netizen. 

“Baka lang po.. hope you try it. Sa dami ng may galit sa kapuwa baka lang po iba ang nagdadala ng sakit sa katwan n’yo. Marami pong magaling na manggamot dito sa atin. Baka gusto n’yo lang i-try. Hope you try other option,” aniya.

Dagdag pa ng netizen: “From day 1 Ms. Kris I am praying for your recovery. I don’t know why sa dami ng doctors n’yo n mahuhusay hindi po kayo nagaling. Its painful to see you like that. We miss watching you.”

Iba-iba naman ang reaksiyon ng mga kapuwa niya netizen sa kaniyang pahayag. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“Omg. Just go away with your albularyo mentality. She has a rare disease. Sira ulo ka ba?”

“she is just concern. Be kind.”

“gusto nya lng mkatulong walang masama sa sinabi nya may kanya kanya tayong paniniwala no need to say ‘sira ulo kaba’?”

“True have crossed that thing on my mind ...somebodys making a curse on her.”

“@krisaquino is a woman of strong faith as her mother... she is a force of influence and positive message even amidst this adversity. It is doubtful that she will fall into the same voodoo genre in her movies. 😍😂🔥”

“Kris had more than one autoimmune disease. It’s really tough one to manage medically. Hindi po yan kulam.”

Matatandaang hindi ito ang unang beses na nakatanggap si Kris ng payo mula sa mga concerned netizen tungkol sa pagpapagamot sa albularyo. 

MAKI-BALITA: Kris, baka nakulam daw; hinikayat na magpa-albularyo, pagamot sa faith healer

Pero ayon daw sa source ni showbiz insider Ogie Diaz, sa medical doctors daw muna nagtitiwala si Kris.

MAKI-BALITA: Mungkahing pagpapa-albularyo, nakarating na kay Kris; anong sey niya?