Inaasahang makaaapekto ang northeast monsoon o amihan sa malaking bahagi ng Luzon ngayong Lunes, Enero 22, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa tala ng PAGASA kaninang 4:00 ng madaling araw, malaki ang tsansang magdudulot ang amihan ng maulap na kalangitan na katamtamang mga pag-ulan sa Apayao, Batanes, at Cagayan kabilang na ang Babuyan Islands.

Bukod dito, inaasahan din daw na magdadala ang amihan ng medyo maulap hanggang maulap na kalangitan na may kasamang isolated light rains sa Metro Manila, Ilocos Region, Central Luzon, CALABARZON, at mga natitirang bahagi ng Cagayan Valley at Cordillera Administrative Region.

Wala namang matinding epekto ang mga magiging pag-ulan sa nasabing mga lugar.

‘Pinas, posibleng magkaroon ng isang bagyo sa Enero – PAGASA

Samantala, inihayag din ng PAGASA na posibleng makaranas ng medyo maulap hanggang sa maulap na may kasamang isolated rainshowers o thunderstorms ang mga natitirang bahagi ng bansa dahil sa localized thunderstorms.

Posible naman umano ang pagbaha o kaya nama’y pagguho ng lupa sa mga nasabing lugar tuwing magkakaroon ng malalakas na thunderstorms.

Sa ngayon ay wala raw minomonitor ang PAGASA na alinmang bagyo o low pressure area (LPA) sa loob man o labas ng Philippine area of responsibility (PAR).

Kaugnay na Balita: