"Sometimes I hate myself!"

Sinagot ni Unkabogable Star Vice Ganda ang X post ng isang netizen na nag-aakalang iniisip daw mabuti ng komedyante-TV host ang mga sasabihin niya bago magbitiw ng mga hirit lalo na sa pagpapatawa.

"I always thought Vice Ganda thinks before he says something. Hmmm," saad ng netizen.

Niretweet naman ito ni Vice. Ipinaliwanag niyang may magpagkakataong minsan ay hindi enough ang kaniyang pag-iisip sa mga hirit na papakawalan niya, kaya may mga pagkakataong sumasablay rin siya.

Eleksyon

Kabataan Party-list, itutulak pagpapatalsik kay VP Sara

"No. At times i dont think enough. Sa kagustuhan kong magpatawa bira ako ng bira kaya minsan sablay. Sometimes i hate myself. Pero ganun talaga sa comedy man o sa real life talagang hit and miss. And we’ll just have to try again."

https://twitter.com/vicegandako/status/1748933861978063356

Sa isa pang X post ay humingi siya ng sorry sa madlang netizens na naapektuhan sa tila paglalagay raw niya sa alanganin kay Anne Curtis kaugnay ng endorsement nito.

"I put Anne in an uncomfotable situation. Wrong. Sorry," aniya pa.

https://twitter.com/vicegandako/status/1748941550258630866

Nag-ugat ito sa pagbigkas niya ng "Nice, Ganda" habang nagkukulitan sila nina Vice Ganda, Jhong Hilario, at Vhong Navarro sa "EXpecially For You" segment ng kanilang noontime show na "It's Showtime."

Hindi namalayan ni Anne na ang pinabibigkas pala sa kaniya ni Vice ay tagline nito sa commercial ng "McDonalds Philippines," ang espesyal na commercial nilang dalawa ni "EAT... Bulaga!" host Paolo Ballesteros.

Si Anne, ay endorser ng karibal na fast food chain ng McDo na "Jollibee" habang ang co-host naman nilang si Kim Chiu na nagpapagaling mula sa Covid-19 ay endorser ng Chowking.

Nang mabigkas na ni Anne ang "Nice Ganda" saka lang parang nag-sink in sa kaniya na hindi niya dapat binigkas ang tagline.

"Ayyy! Bad 'yon sa 'kin! Sorry po! Pasensya na po kayo," paghingi ng paumanhin ni Anne sa hindi tinukoy na mga tao, subalit mahihinuhang sa pamunuan ng kompanyang nagtiwala sa kaniya.

Tawang-tawang salag naman ni Vice, "Bakit ka nag-sorry? Wala ka naman sinabing masama?"

"Kapag nawalan ako ng kontrata... Pasensya na po kayo. Hindi ko sinasadya. Lapse of judgement sorry," sundot pa ni Anne.

"Pumuri ka lang naman ng sitwasyon nila. Nice naman 'yong sitwasyon," pagtatanggol naman ni Vice, na ang tinutukoy ay patungkol sa kanilang guests na nakasalang sa segment.

"Maganda naman talaga. Pero pasensya na po. Ikaw talaga. Kapag ako nawalan bayaran mo 'yon. Kasi pag siningil ako doon ng ano... sige, sige. For sure trending ito at kakalat na naman ito."

"Baka makatanggap ako ng warning, girl..." nakangiti pang sey ni Anne.

MAKI-BALITA: ‘Baka makatanggap ng warning?’ Anne windang sa nabigkas dahil kay Vice Ganda

Matapos mag-trending, sinabi ni Anne na okay sila ni Vice Ganda at walang dapat ipag-alala ang publiko.

MAKI-BALITA: Anne, masama loob kay Vice Ganda dahil sa ‘brandagulan?’

https://twitter.com/vicegandako/status/1748919223135678792