“If you like it, put a ring on it. 💍”
Nagbahagi ang National Aeronautics and Space Administration (NASA) ng larawan ng planetang Saturn, kasama ang anim na buwan nito, na nakuhanan daw ng kanilang Cassini spacecraft noong 2008.
Sa isang Instagram post, inihayag ng NASA na hindi lamang ang Saturn ang planeta sa solar system na may singsing.
Gayunpaman, ang singsing daw ng Saturn ang pinakakilala dahil umaabot daw ito ng 175,000 milya (282,000 kilometro) mula sa planeta.
“The rings are likely made of chunks of ice and rock ranging in size from dust-sized grains to house-sized pieces, composed of the remnants of comets, asteroids, and moons shredded by Saturn’s powerful gravity,” anang NASA.
Pagdating naman sa naturang larawan, inihayag ng NASA na nasa layong 690,000 miles (1.1 million km) ang kanilang Cassini spacecraft nang makuhanan ito.
Kasama naman daw sa anim na buwan ng Saturn na nakasama sa larawan ang Titan at Enceladus na parehong tinitingnan bilang “most promising worlds” para makahanap na “buhay” bukod sa Earth.
Kaugnay na Balita:
https://balita.net.ph/2023/11/20/habitat-for-life-nasa-napitikan-icy-moon-ng-saturn-na-enceladus/