Matagal mo na bang hindi nayakap ang iyong pamilya at iba pang mahal sa buhay dahil sa pagiging abala sa trabaho?

Ngayong araw (Linggo), Enero 21, ipinagdiriwang ang taunang International Hugging Day kaya't may pagkakataon ka na muli na mayakap ang mga ito upang maipadama ang pagmamahal at suporta. 

Layunin ng pagdiriwang na mahikayat ang lahat na yakapin nang madalas ang mga miyembro ng kanllang pamilya, pati na rin ang mga kaibigan upang gumaan din ang kanilang kalooban.

Tourism

World Architecture Day: Ilang makasaysayang gusali sa bansa na nananatili pa ring nakatayo

Itinakda ni Kevin Zaborney ang International Hugging Day o National Hugging Day (Global Hugging Day) noong 1986 at una itong ipinatupad sa Clio, Michigan noong Enero 21, 1986.

Ipinagdiriwang ang taunang International Hugging Day kada Enero 21 na nasa pagitan ng winter holiday at New Year's eve -- panahong madalas makaramdam ng kalungkutan ang mga indibidwal.

Naging popular ang pagdiriwang sa Germany noong 2011.

Ikaw, sino ang gusto mong makayakap? I-tag mo na!