Nagpahayag ng paghanga si First Lady Liza Araneta-Marcos sa naging concert ng British rock band na Coldplay na pinanood niya kasama ang asawang si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at kanilang anak na si William Vincent.

Sa kaniyang Instagram at Facebook post, nagbahagi ang first lady ng ilang mga larawan ng pagdalo nila sa “Music of the Spheres” world tour ng Coldplay noong Biyernes, Enero 19, sa Bulacan.

“The Coldplay concert was awesome! Bravo Chris Martin!! 👏👏👏” aniya sa kaniyang post.

Kaugnay nito, matatandaang naging usap-usapan kamakailan sa social media ang mga video at larawan kung saan may nakitang tatlong chopper sa venue ng concert, na pinaniniwalaang karga nito ang VIPs, kabilang ang First Couple.

PBBM, gumamit daw ng presidential chopper papuntang Coldplay concert?

Agad namang naglabas ng paliwanag at opisyal na pahayag ang Presidential Security Group (PSG), sa pangunguna ni PSG commander Maj. Gen. Nelson Morales, hinggil sa naturang pagsakay ng pamilya sa presidential helicopter.

Ayon kay Morales, tiniyak lamang daw ng PSG ang seguridad ng pangulo at unang ginang dahil sa dagsa ng mga tao sa concert, na tinatayang umabot sa 40,000 indibidwal.

https://balita.net.ph/2024/01/21/psg-nagpaliwanag-sa-helicopter-issue-kay-pbbm-sa-coldplay-concert/