Mahigit na sa ₱64 milyong halaga ng pinsala sa agrikultura ang naitala sa Davao Region dahil sa walang tigil na pag-ulan bunsod ng shear line.

Sa pahayag ng Department of Agriculture (DA), kabilang sa naapektuhan ang pananim na palay, mais at high-value crops sa Davao del Norte at Davao de Oro.

Sinabi ng DA, umabot na sa 5,737 magsasaka at 7,121 ektaryang taniman ang apektado na mula nang manalasa ang shear line nitong Enero 15.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Paliwanag ng ahensya, nakikipag-ugnayan na sila sa mga apektadong local government unit at iba pang tanggapan ng Disaster Risk Reduction and Management Office upang madetermina at matugunan ang pangangailangan ng mga apektadong magsasaka at mangingisda. 

Matatandaang binalaan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Martes, Enero 16, ang mga residente sa Davao Region at Caraga dahil sa inaasahang matinding pag-ulan dulot ng shear line.