Ibinahagi ni showbiz insider Ogie Diaz ang isang engkwentrong nangyari sa kaniyang buhay bilang tagapagbalita sa mundo ng showbiz industry.

Sa latest vlog kasi ni Ogie noong Miyerkules, Enero 17, kasama ang casts ng pelikulang “Road Trip” na sina Gelli De Belen, Carmina Villaroel, Janice De Belen, at Candy Pangilinan, nausisa ang kaniyang pagiging showbiz insider.

“Mayroon ka na bang nagawa na ito talaga reliable ang source mo, reliable ang source tapos paglabas, mali pala?” tanong ni Gelli.

“Oo, mayroong mga ganyan. Syempre, nobody is perfect. Kahit naman sa pagtsitsismis. Syempre, gagawan mo ng paraan ‘yan,” sagot ni Ogie.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

“E ‘di yempre sasabihin ko mali ‘yong source ko. Kasi sinasabi ko naman, ayon sa source ko…So, hindi ko sasabihing mali ako. Mali ‘yong source ko,” aniya.

Tanong pa ni Gelli: “Mayroon na bang nag-ano sa ‘yo na upakan ka, awayin ka, ‘yong nagka-engkwentro talaga kayo?”

“Mayroon akong eksena…kumuha ng baril sa Pajero. Siyempre nagtatakbo ako,” kuwento naman ni Ogie.

Pabiro namang nagtanong si Janice: “Palayo o palapit?”

Natawa na lang si Ogie at hindi na nakasagot.

“Pero best of friends kami ngayon. Ninong pa nga ng anak ko,” paliwanag pa niya.

Matatandaang noong Nobyembre 2023 ay nag-trending si Ogie at kinuyog ng KathNiel fans matapos ibalitang hiwalay na umano ang Kapamilya ex-couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla at nakipagkita raw nang palihim ang huli sa kapwa Kapamilya A-lister na si Andrea Brillantes.

MAKI-BALITA: Fans nagwala: Ogie Diaz trending sa X

Makalipas ang ilang araw, humingi siya ng paumanhin sa mga tao at artistang na-offend dahil sa mga ibinabalita niya.

MAKI-BALITA: Ogie Diaz, nag-sorry sa mga tao, artistang na-offend

Tila “vindicated” naman si Ogie nang kumpirmahin ng KathNiel ang kanilang hiwalayan noong Nobyembre 30, 2023, at matapos mag-unfollowan sa isa’t isa sina Kathryn at Andrea.