Inilabas na ng "Black Sheep" ang official trailer ng comeback comedy movie ni Kapamilya Star Enrique Gil---ang "I'm Not Big Bird" na mapapanood na raw sa mga sinehan sa darating na Pebrero.

Naloka naman ang mga netizen kay Quen dahil ibang-iba ito sa tipikal na genre na ginagawa niya sa teleserye at pelikula dahil tungkol ito sa maliit na "pag-aari" ng isang lalaki na naghahanap ng lunas kung paano ito mapapa-daks.

Excited na ang fans ni Enrique sa muli nilang pagsilay sa aktor, lalo't ang huling proyekto nito ay napurnada pa, ang "Make It With You" na huling teleserye nila ni Liza Soberano bago ang pagkawala ng prangkisa ng ABS-CBN at dahil na rin sa pandemya.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Ang Black Sheep ay nasa ilalim ng ABS-CBN Film Productions, kasama ng Star Cinema. Mapapanood ito sa Pebrero 14, sakto sa Valentine's Day.

Kasama niya sa pelikula sina Pepe Herrera, Nikko Natividad, at Red Ollero sa direksyon ni Victor Villanueva.