Tila hindi pa rin daw nawawalan ng pag-asa si Kapamilya actor Enrique Gil na magkabalikan sila ng dati niyang ka-love team na si Liza Soberano.

Sa latest episode kasi ng “Showbiz Updates” nitong Biyernes, Enero 19, iginiit ni Ogie na wala na raw talaga sina Enrique at Liza. 

“E, Nay, kumusta ba sila [Enrique at Liza]? Sila ba ang magka-date sa Valentine’s?” tanong ni Mama Loi matapos pag-usapan ang up-coming movie ng pelikula ng dalawa sa February.

“Naku, imposible ‘yan. Syempre, unang-una wala na sila,” tugon ni Ogie.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Nawindang tuloy si Mama Loi sa sinabing ito ng kaniyang co-host: “Ay, confirmed?”

“Wala na naman talaga sila. Ano ka ba naman? Kung lalabas sila, as a friend lang.” sabi ni Ogie.

Photo courtesy: Screenshot from Ogie Diaz Showbiz Update (YouTube)

Pagpapatuloy pa niya: “Alam mo, mayroon lang nakarating sa akin. Quen [Enrique] is still hoping na maging sila ulit ni Liza. Na hanggang ngayon ay mahal pa rin ni Quen si Liza. And he is still waiting,” saad ni Ogie.

“‘Yan lang naman ‘yong nakarating sa akin. Na parang si Quen daw ay waiting lang for Liza’s call. Kung aayain siya, kung lalabas sila, or whatever. Kung may problema siya, andyan lang siya. Parang ‘I got your back’,” aniya.

Pero kung feelings naman ni Liza para kay Enrique ang tatanungin, ‘yan ang hindi alam ni Ogie. 

“Si Quen ang may feelings kay Liza hanggang ngayon. Si Liza ay hindi natin alam. Kung si Liza ay mayroon na ring iniirog or ang iniirog ni Liza ay ang kaniyang Hollywood career o ‘yong kaniyang goal na maging Hollywood star,” saad pa ng showbiz insider.

Pero sa kabila ng kumakalat na bali-balitang hiwalay na talaga sina Enrique at Liza

matatandaang binati pa ng aktor ang dating ka-love team noong kaarawan nito noong Enero 4. 

MAKI-BALITA: LizQuen natsitsika ulit na hiwalay na; netizens, binalikan panayam kay Enrique

Ni-repost naman ni Liza sa kaniyang Instagram story ang nasabing pagbati ni Enrique at nagpasalamat.

MAKI-BALITA: Enrique Gil sa birthday ni Liza: ‘I’ll always have your back’