Sampung lugar sa Pilipinas ang nakaranas ng pinakamalamig na temperatura nitong Sabado, Enero 20, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Base sa monitoring ng PAGASA nitong Sabado ng umaga, naitalala ang 14.8°C sa Baguio City.
Kasama rin sa mga lugar sa Northern Luzon ang Basco, Batanes na nasa 21.0°C; Laoag City, Ilocos Norte na nasa 21.5°C; at Aparri, Cagayan na nasa 22.6°C ang naitalang temperatura.
Pagdating sa Metro Manila, naitala ang mababang temperatura sa Science Garden, Quezon City na nakaranas ng 22.5°C.
Bukod dito, napabilang din sa sampung mga lugar sa bansa na nakaranas ng pinakamababang temperatura nitong Sabado ang Casiguran, Aurora (21.8°C); Coron, Palawan (21.8°C); Dagupan City, Pangasinan (22.2°C); San Jose, Occidental Mindoro (23.3°C); at Davao City, Davao del Sur (23.5°C).
Samantala, inihayag din ng PAGASA nitong Sabado na humina ang epekto sa bansa ng northeast monsoon o amihan na nagdadala ng malamig na hangin mula sa Siberia.