Iginiit ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na dapat bigyan ng special treatment ang mga foreign investor at hindi red tape upang makatulong sa mabilis na pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.

Ito ang reaksyon ng Pangulo sa inagurasyon ng pinalawak na JG Summit Petrochemicals Manufacturing complex sa Batangas nitong Biyernes.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Marcos na kabilang sa assignment ng economic team nito na bawasan ang red tape o ang pagkakaroon ng masyadong mahigpit at maraming requirements sa pagproseso ng mga transaksyon sa pamahalaan.

National

Sen. Bato, isiniwalat na nakiusap siyang dagdagan budget ng OVP: ‘Ayaw tayong pagbigyan!’

Sa halip aniya na red tape, dapat na maibigay sa mga foreign at local investors ay red carpet.

Magiging trabaho rin ng economic team na palakasin ang insentibo para sa mga negosyante at lalo pang palakasin ang pagtataguyod ng "ease of doing business."