Malinis pa rin ang suplay ng tubig ng isang water concessionaire sa Metro Manila.

Nilinaw ng Manila Water Company, Inc. na nakakasunod pa rin sila sa water quality standards na itinakda ng pamahalaan.

Tinukoy ng kumpanya ang Philippine National Standards for Drinking Water (PNSDW) ng Department of Health (DOH).

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Pagdidiin ni Manila Water Corporate Communication Affairs Group Director Jeric Sevilla,  tuloy-tuloy na naipapasa ng kumpanya ang water quality tests sa iba’t ibang regulatory sampling points, na may kabuuang 78,523 test mula Enero hanggang Nobyembre 2023.

Aniya ang pagsunod sa PNSDW ay nangangahulugang ang suplay ng tubig ay 100% ligtas mula sa thermotolerant coliforms, mga organic at inorganic chemical at contaminant.

Ipinangako pa ng Manila Water ang patuloy na pagbibigay ng accurate at reliable na water quality tests.