Tila problemado si social media personality Zeinab Harake para sa darating na birthday ng jowa niyang si Bobby Ray Parks Jr.

Sa latest vlog kasi ni Zeinab kamakailan, ipinasilip niya ang mga mamahaling Christmas gift ni Ray Parks sa kaniya: Women’s Devotional Bible, pink sandals, black heels, at white bag.

“Dahil sa mga regalo na ‘yan, hanggang ngayon pressure na pressure ako. Dahil ang birthday ni Daddy Ray is February 19 na,” saad ni Zeinab.

Nape-pressure pa rin ako hanggang ngayon kung anong ireregalo ko sa kaniya kasi ang hirap niyang regaluhan,” aniya.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Dagdag pa niya: “Saka ang galing niyang magregalo in fairness sa kaniya, ha. Ang kaniyang love language is giving. Pero ako ‘yong na-stress kung ano ‘yong ibibigay ko sa kaniya.”

Paglilinaw naman ni Zeinab, hindi niya jinowa si Ray Parks dahil sa mga kaya nitong ibigay sa kaniya. Bonus na lang daw ‘yon. Sapat na sa kaniya ang maayos na relasyong mayroon silang dalawa.

Pero kahit papaano, binigyan ni Zeinab si Ray Parks ng iPhone 15 Pro. Niregaluhan din niya ang sarili ng sasakyan.