Hindi raw totoo ang kumakalat na tsismis na buntis daw ang aktres na si Ruffa Gutierrez dahil nireregla pa raw ito.

Sa Facebook post ni Darryl Yap, inupload niya screenshot ng conversation nila ni Ruffa nang isend niya ang article ng Balita kaugnay sa tsismis.

Ruffa Gutierrez, binuntis ni Herbert Bautista?

“Welllll I still have my period every month hahaha pero I don’t think I’m pregnant. Kaloka naman yan!!” sey ni Ruffa.

Sey naman ni Darryl sa comment section, "basta, isa sa pinakamabait si Ruffa. deserve nya ang lahat ng kaligayahan sa mundo."

Speaking of comment section, tila likas na sa netizens ang pagiging tutok sa bawat detalye. May nag-comment kasi kung "nag-aanuhan" ba sina Ruffa at Herbert.

"So nag aano sila? since nireregla pa sya? hindi lang nakakargahan?"

"but she didn't deny hitting the sack with him hehe"

"hindi sya pregnant pero parang may na confirm na something ahahahahhaha haaaayyy Ruffa!"

Sa latest episode kasi ng “Cristy Ferminute” nitong Miyerkules, tinalakay ni showbiz columnist Cristy Fermin ang tungkol sa isyung ito.

Ayon sa kaniya, hine-headline umano ng mga blogger ang pagbubuntis ni Ruffa samantalang wala pa naman daw pormal na pag-amin ang aktres.

Maki-Balita: Ruffa Gutierrez, binuntis ni Herbert Bautista?