Nadagdag si Ultimate Heartthrob Piolo Pascual sa listahan ng mga gustong makatrabaho si Outstanding Asian Star Kathryn Bernardo.

Sa latest episode kasi ng Cristy Ferminute nitong Miyerkules, Enero 17, tsinika ni showbiz columnist Cristy Fermin ang panayam ni Piolo kung saan nito inamin ang tungkol kay Kathryn.

“Sa kaniyang panayam, sinabi niya gusto niyang makatrabaho si Kathryn Bernardo. And why not coconut?” saad ni Cristy.

‘Yon daw talaga ang unang pumasok sa isip ni Piolo ayon sa co-host ni Cristy na si Romel Chika. Hanga raw kasi ang aktor sa professionalism at work ethics ni Kathryn.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

“Saka hindi imposible. Iisa ang nag-aalaga sa kanila, ‘di ba. Si Erickson Raymundo ng Cornerstone,” sabi pa ni Cristy.

Tiyak na magiging maganda raw ang kalalabasan ng tambalang Piolo at Kathryn lalo na’t pareho naman silang mahusay na artista basta makahanap lang ng magandang kuwentong babagay sa dalawa.

Samantala, bukod kay Piolo, nagpahayag din ng interes ang aktor na si Jericho Rosales na makatambal si Kathryn sa isang proyekto.

MAKI-BALITA: Jericho Rosales bet makatrabaho si Kathryn Bernardo