Umani ng iba't ibang reaksiyon at komento ang naging pahayag ni Dra. Vicki Belo na parang "palengke" lang na malapit sa bahay o kung saang lupalop man ng Pilipinas ang Paris, kapag nag-crave siya sa cake.

Nabanggit kasi sa latest vlog ng celebrity doctor na ang kaniyang assistant na si Millet ay nagpunta sa Paris sa loob ng dalawang oras para lang bumili ng cake, na kinatakaman ni Belo.

Hindi lang iyon, lumipad din si Millet sa Los Angeles, California sa loob lamang ng isang araw para sa isa pang errand ng misis ni Hayden Kho.

"Libre po 'yong ticket, hindi naman ako gano'n ka-spoiled," giit naman ni Belo, salamat daw sa mga nakukuha nilang airline miles points.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

"Pag naglilhi na ako, na hindi naman buntis, ng Jean Paul Hevin na napaka-favorite ko, sasabihin ko 'Millet, pumunta ka naman Paris bili ka ng cake,'" sey pa ni Belo.

Kaya naman para kina Millet at make-up artist ni Belo na si Marife, ang pinakagusto nilang part ng trabaho nila ay kapag nagta-travel ang kanilang bosing.

Siyempre, todo-react naman ang mga netizen dito dahil parang "nasampal" daw sila sa kahirapan dahil tila ginawang palengke lang ni Belo ang Paris. Hindi rin biro ang plane ticket ha!

"Nanampal na naman po ng kahirapan si Dra. Vicki Belo!"

"Grabe 'yong ginawang Quiapo o Divisoria lang ang Paris!"

"Mapapa-sana all ka na lang talaga eh!"

"Ganiyan siya kayaman hehehe, ginagawang palengke o park lang ang Paris."

"Kaming mga dukha, ni hindi nga namin afford ang plane tickets sa malalapit na bansa eh haha."

'Pinaghirapan naman niya 'yan, kaya go lang! Inspiration sa atin na one day, ma-achieve din natin ang ganiyan."

Sa kabilang banda, marami rin ang pumuri sa mag-asawa dahil sa pagiging mabuti nila sa staff nila.