Ipinasara muna ng Baguio City government ang siyam na business establishments matapos magpositibo sa E. coli (Escherichia coli) kamakailan.

Sa pulong balitaan sa naturang lungsod, sinabi ni City Health Services Office chief, Dr. Celia Flor Brillantes, binigyan na nila ng cease and desist order ang siyam na establisimyento upang mahinto ang operasyon.

Bukod sa anim na water station at tatlong restaurant, nakitaan din ng E. coli ang water samples mula sa isang bahay sa lungsod.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nilinaw ni Brillantes, kukunan muli ng water samples ang mga nasabing establisimyento at kapag nagnegatibo na sa E. coli ay papayagan na silang maituloy ang kanilang operasyon.

Ang E. coli na isang bakterya at karaniwang nakikita sa dumi ng tao at hayop ay nagdudulot ng diarrhea.

Kamakailan, idineklara ang gastroenteritis outbreak sa Baguio matapos maitala ang tinatayaang aabot sa 3,000 kaso nito na dulot ng E. coli.