Nailigtas ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pitong pasahero at tatlong tripulante matapos masiraan ang kanilang bangka sa Roxas City, Capiz kamakailan.

Sa pahayag ng Coast Guard, kabilang sa mga nasagip ang tatlong bata at nasa maayos na silang kalagayan.

Sa report ng PCG, patungo na sana ng Roxas City ang MBCA Ayos, lulan ang pitong pasahero at mga tripulante nang masiraan ito sa laot malapit sa Zapato Gamay, Roxas City o mahigit siyam na kilometro hilagang silangan ng Olotayan Island, nitong Enero 14.

Sa pahayag ng tatlong tripulante, natanggal ang ehe sa makina ng bangka kaya't bigla itong huminto sa laot.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Dahil dito, humingi ng tulong ang kapitan ng bangka at kaagad na nagsagawa ng rescue operation ang PCG mahigit 18 kilometro hilagang kanluran ng Zapato Dako/Mayor Island.

Hinila ang bangka patungong Coast Guard-Sub-Station sa Calumpang, Masbate at inihatid na rin sa kanilang pamilya sa Brgy. Ubo, Balud, Masbate ang mga nailigtas.