Sumangguni si TV host host Robi Domingo sa madlang netizens kung ano-ano ang mga tip at suggestion na maibibigay nila ngayong siya’y isa nang married man.

Sa X post ni Robi nitong Lunes, Enero 15, naglatag siya ng mga tala na hindi niya dapat kalimutan bilang asawa. 

https://twitter.com/robertmarion/status/1746735046181146770

“Note to self: 1. Ihiwalay ang puti sa decolor; 2. Ibaba ang toilet seat; 3. Magwalis, para happy si misis,” sulat ni Robi sa kaniyang post.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Para sa iba pang karagdagan, nagpatulong siya sa kaniyang mga tagasubaybay: “May suggestions and tips pa kayo? 😅”

Hindi naman nabigo si Robi dahil tinugon siya ng mga netizen. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“Gumamit ng Joy dishwashing liquid, isang patak kaya ang sangkatutak.”

“Takpan po ang toothpaste tub, sir. 😝”

“Wag hayaang nagdi-drip ang katawan sa tubig paglabas ng shower. Nakakainis pag iniiwang basa ang floor, may traces pa ng footprint, kala mo nagpapahanap kung saan s’ya pupunta. 😂”

“yung sinampay dapat color coordinated din and pati sa pagtupi 🥰”

“PLEASEEEEE pakilagay ang laundry sa laundry basket, NOT sa tabi ng basket o sa sahig.”

“Maghugas agad ng pinagkainan. 😅”

“Pag nagsabi si misis ng ‘bahala ka’ o ‘ewan ko’, abort mission na agad! 🤣🤣”

“Tandaan kung san mo nilalagay gamit mo, para hindi laging nagtatanong sa asawa, akala mo hindi nakatira sa bahay😂😂”

Matatandaang ikinasal si Robi sa long time partner niyang si Maiqui Pineda noong Enero 6 sa Diocesan Shrine and Parish of San Isidro Labrador sa Bulacan.

MAKI-BALITA: Robi Domingo at Maiqui Pineda, mag-asawa na