Natanong si "Linlang" Star Kim Chiu kung handa na raw ba siyang ma-inlove ulit matapos ang pinagdaanang hiwalayan nila ng 12 taong karelasyong si Kapuso Star Xian Lim.

Ito ang binasang tanong ng host na si MJ Felipe sa naganap na media conference para sa teleserye version ng "Linlang," na mapapanood na sa Enero 22, 2024.

"With everything that you've been through in life, would you still try to fall in love again?" tanong ni MJ, partikular kay Kim na hindi nakadalo sa face-to-face mediacon dahil nagpositibo sila ng leading man na si Paulo Avelino sa Covid-19 kaya naka-video conference sila.

Naghiyawan naman sa kilig ang mga miyembro ng media na inimbitahang dumalo sa nabanggit na presscon.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Kitang-kita naman ang pagngiti at pagpalakpak ni Paulo.

Inulit ni MJ ang tanong dahil parang nawindang si Kim.

"Ahmmm, oo naman. Hindi man sa ngayon muna, pero hopefully in the next... next months to come," nakatawang sagot ni Kim.

"Months lang, months lang?" kinikilig na sundot ni MJ, at kinilig din ang audience.

"Years, years... hindi oras..." hirit pa ni Kim.

Segundang tanong ni MJ, bakit nga ba siya naniniwala pa rin sa pag-ibig?

"Kasi ang love naman... marami namang kayang magbigay ng love and willing naman akong tumanggap. Wow!" natatawang saad ni Kim, sabay tawa. "And basta! Kasali sa buhay 'yon, so i-embrace natin lahat."

Matatandaang bago mag-Pasko noong 2023 ay kinumpirma nina Xian at Kim ang kanilang hiwalayan sa pamamagitan ng magkahiwalay na Instagram post.

Samantala, dahil sa tagumpay ng Linlang at sila pa ang magtatambal sa upcoming Philippine adaptation ng "What's Wrong with Secretary Kim" ay marami na ngayon ang nagshi-ship sa tambalan nina Kim at Paulo, kaya tinatawag na silang "KimPau."

MAKI-BALITA: Destiny? Kim Chiu at Paulo Avelino, parehong may Covid-19