Kinakikiligan sa social media ang rising Kapamilya actor na si Jeremiah Lisbo, na ayon sa mga netizen, habang tumatagal ay "pasarap nang pasarap" o paguwapo nang paguwapo.

Bahagi kasi si Jeremiah sa upcoming series na "Pamilya Sagrado" ng Dreamscape Entertainment, na pinagbibidahan nina Piolo Pascual, Kyle Echarri, at Grae Fernandez.

"BAKIT PASARAP KA NANG PASARAP MIAH 🥵🥵🥵 #PamilyaSagrado," saad ng X user na @ALTStarMagic kalakip ang kuhang larawan ni Jeremiah sa official poster na inilabas ng Dreamscape.

https://twitter.com/AltStarMagic/status/1746851619428581588

National

Sen. Joel Villanueva, pinatutsadahan si Alice Guo: 'You are no celebrity!'

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens. Maraming nagsasabing kamukha niya si Piolo Pascual, may mga nagsasabing mala-Diether Ocampo, at may mga nakapapansing may malaking resemblance kay Donny Pangilinan.

Wish ng mga netizen na hulmahin nang husto ng ABS-CBN si Jeremiah at posible itong maihanay na rin sa mga bankable leading men ng Kapamilya Network.

"his diether ocampo-fication i fear"

"Kapez nya si Donny at Papa P."

"Hays totoo."

"Agree!!!"

"Kamukha ni Bryan Tanaka ex ni Mariah [Carey]."

"Kaya nga ‘no? Hope ABS continues to groom him as one of the bankable leading men nila para kavogue!"

Peo sino nga ba si Jeremiah Lisbo?

Si Jeremiah Jordan Romano Lisbo ay isinilang noong Nobyembre 27, 1997 at panggitna sa tatlong magkakapatid.

Nagtapos siya ng kursong Hotel and Restaurant Management sa Far Eastern University (FEU) sa Maynila.

Dahil sa angking charm, agad siyang napabilang sa Star Magic Circle Batch 2019 kasama sina Gillian Vicencio, Javi Benitez, Melizza Jimenez, Kyle Echarri, at Belle Mariano. Ang unang acting opportunity niya ay noong "Make it With You" na huling seryeng pinagbidahan nina Liza Soberano at Enrique Gil ngunit hindi na natapos dahil sa pandemya at pagkawala ng prangkisa ng ABS-CBN.

Nagtuloy-tuloy na ang mga proyektong kinabilangan ni Jeremiah gaya ng "He's Into Her," "Four Sisters Before the Wedding," "Love is Color Blind," "Love or Money," at "Four Bad Boys and Me."

At ngayon nga ay mapabibilang siya sa "Pamilya Sagrado" kasama ang iba pang stellar cast.