Tinatayang 61% ng mga Pilipino ang sumasang-ayon sa paraan ng pagtugon ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa alitan ng Philipinas at China sa teritoryo ng West Philippine Sea (WPS), ayon sa inilabas na survey ng OCTA Research nitong Martes, Enero 16.

Sa Fourth Quarter Tugon ng Masa survey ng OCTA, inihayag nitong sa 61% ng mga Pinoy na sumasang-ayon ay 10% daw dito ang lubos na sumasang-ayon habang 51% ang medyo sumasang-ayon.

Samantala, 8% daw ang hindi sumasang-ayon sa paraan ng pagtugon ng kasalukuyang administrasyon sa isyu ng WPS, kung saan 2% daw rito ang lubos na hindi sumasang-ayon at 6% ang medyo hindi sumasang-ayon.

Nasa 31% naman daw ng kanilang respondents ang hindi makapagsabi kung sumasang-ayon sila o hindi sumasang-ayon sa pagtugon ng administrasyong Marcos sa alitan ng Pilipinas at China sa WPS.

National

Ilang bahagi ng bansa, uulanin dahil sa shear line, easterlies

Isinagawa umano ang nasabing non-commissioned survey mula Disyembre 10 hanggang 14, 2023 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 Pinoy sa bansa na may edad 18 pataas.