Nagdiwang ng 24th anniversary sina dating Manila Mayor at "Tahanang Pinakamasaya" host Isko Moreno Domagoso at kaniyang misis na si Dynee Ditan Domagoso nitong Linggo, Enero 14, 2024.

Sa isang Facebook post, nag-share si Dynee ng dalawang larawan kasama si Isko at ang kanilang mga anak.

“24 years and 5 kids! #011000,” caption ni Dynee sa kaniyang post.

Nagpaabot naman ng pagbati ang netizens sa mahabang pagsasama ng mag-asawa. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

'Eat Bulaga' ng TAPE sumuko na, nagbago na ng pangalan

“Happy Anniversary to a wonderful couple!”

“Love each other Yorme Isko and Madam Dynee God Bless You. Happy Anniversary po.”

“Happy Anniversary!! More anniversary to come may god bless ur family.”

“Happy Anniversary to this beautiful couple. Cheers!

“Lovebirds! One of my fave couples. Happy anniversary!

Sa ngayon ay napapanood si Isko sa telebisyon bilang host ng noontime show ng GMA na “Tahanang Pinakamasaya.” 

Ang “Tahanang Pinakamasaya” ang bagong pamagat ng dating "Eat Bulaga!" na nabawi naman ng TVJ, at kasalukuyang ginagamit sa TV5.