Isang magnitude 4.5 na lindol ang tumama sa probinsya ng Surigao del Sur nitong Lunes ng gabi, Enero 15, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 7:31 ng gabi.

Namataan ang epicenter nito 29 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur, na may lalim na 27 kilometro.

Naitala ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:

Breast Cancer Awareness Month, ginugunita; pambabae lang ba?

Intensity II - City of Bislig, SURIGAO DEL SUR

Intensity I - City of Tandag, SURIGAO DEL SUR

Ayon sa Phivolcs, ito ay isang aftershock ng magnitude 7.4 na lindol sa baybayin ng Surigao del Sur noong Disyembre 2, 2023.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng naturang lindol.

Hindi rin umanong inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.