Maraming fans ang nakakita kay Kapamilya Star Daniel Padilla sa airport na patungo raw sa Dubai mag-isa.

Isang "Jess Cinco" ang nag-upload ng kuhang larawan at video kay Daniel habang nakapila ito sa Immigration.

Maya-maya, makikitang nilapitan ito ng isang personnel at sinabihang lumipat siya sa special lane.

"Kanang pa flight nimu pa Dubai habang pila sa immigration wla damha ksakay Nimo si papa Daniel Padilla gwapo kaayo gikilig ko Nag "HI MA'AM nko Kay nsa likod manko niya gikilig kaayo ko," aniya sa caption.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Sey naman ng mga netizen ay mukhang magpapakalayo-layo muna si Daniel dahil sa mga intrigang pumapalibot sa kaniya ngayon.

"Enjoy Daniel sa mga camel!"

"Bakasyon muna malayo sa mga marites."

"Lalayo muna sa intriga, malayo sa mata ng mga balita."

"Takas muna sa mga intriga si boy. Hindi makayabang now. So fly muna sa Dubai."

"Tama 'yan lumayo ka sa toxic din siguro at nega na si Kathryn! Pa-simpleng good gf! Nag-eenjoy siyang idamay lahat."